Hay lumaki na ata talaga akong malungkutin, mahina ang loob, mahiyain… lahat na…Bata pa ako, di na talaga ako positibo sa buhay ko. Positibo ako pag kaharap ko ibang tao, pag nagbibigay ako ng advice sa mga kaibigan ko, pero pag sa sarili ko na, ewan, wala na, binabalot na ako ng madilim na nakaraan. Ni hindi ko nga talaga alam kung anu ang tunay na nakakapagpasaya sa akin. Ang alam ko lang, natatawa ako sa mga bagay na nakikita kong nakakatawa, nakakatuwa, kakaiba. Pero bihira na lang makakita non ngayon.
Naalala ko nung grade 3 ako. First time ko nun sa 1st section dahil isa akong transferee sa school na yon. Sa sobrang taas ng anxiety ko, umiyak ako dahil nasabihan lang ako na hindi ako dun nakaupo sa upuang kinauupuan ko. sobra ang hikbi ko talaga at todo takip pa ng mukha sa sobrang kahihiyan. Kala ko katapusan na ng mundo ko! Lahat nakatingin sa akin. Yung iba natatawa, yung iba naaawa sa akin. Nakakatawa talaga di ba? Nang dahil lang dun.
Meron kasi akong anxiety sa mga authorities. Takot ako sa mga taong nakakataas sa akin. Tulad na lang nung time na yun na nalipat ako ng 1st section. Ang tingin ko sa mga kaklase ko, magagaling, high-profile, at ang tingin ko naman sa sarili ko, mababa lang dahil nga nanggaling ako sa lower section. Nasa isip ko rin non na parang di ko kayang makipagkaibigan sa kanila. Buti na lang ay sadyang may mga taong palakaibigan. Kinaibigan nila ako at naramdaman ko noon na hindi pala ako iba sa kanila, na kaya ko ring makipagsabayan sa kanila.
Di rin ako ang klase ng tao na nasasanay agad sa mga bagay na bago. Pag may bago sa paligid ko, tumataas ang anxiety ko. At sa sobrang taas ng anxiety ko, nagkakasakit ako, sumasama ang pakiramdam ko. Tulad na lang nung high school ako. Naalala ko nung first year ako, madaming araw sa buong School Year na absent ako dahil may sakit ako. Pakiramdam ko talaga mahina ako ng mga panahon na yun. Kahit mga grades ko mabababa, hindi rin ako nakikinig sa mga teachers ko. Madalas natutulog ako sa klase. Hindi ako nag-aaral. Pero nung mga panahon ding iyon, naovercome ko naman ang pagiging mahiyain ko. Natuto ako makipagusap sa katabi, magtanong sa kanila ng mga bagay na di ko alam.
Pero ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay pag sinasaktan ako, both emotionally and physically, lalo na pag parents ko na ang involve. sobrang nanghihina ang loob ko sa tuwing nangyayare sa akin yon. Buti na lang malaki na ako ngayon kaya di na nila ako masyado pinapagalitan. Pero syempre, minsan, pag naaalala ko, bumabalik ako sa nakaraan. Parang nararamdaman ko ulit ung mga emosyon na naramdaman ko noon habang pinapagalitan ako o sinasaktan. Naaalimpungatan na lang ako minsan at nasasabi ko na lang sa sarili ko na “Kung ang Diyos nga, kayang magpatawad, ako pa kayang hindi magpapatawad.”. ‘Yun na lang ang iniisip ko para kahit papano makaalis na ako sa nakaraan. Mahirap lang talaga minsan kapag ikaw ang klase ng taong hindi marunong makalimot sa mga bagay na tumatak sayo. Habambuhay mo ng dala-dala ang bagay na yon. Nakakabaliw. Nakakapraning.
Sa ngayon, tama lang ang timpla ko ngayon. Di masyadong masaya, di rin naman malungkot. Ako pa rin yung tao na di marunong mambato ng jokes, tahimik sa isang tabi, yung taong nakikinig lang sa sinasabi at pinagkukuwentuhan ng mga tao sa paligid. Pero sa bagay na yun, nagiging masaya na ako. Masaya na ako na nalalaman ko kung anong nangyayare sa buhay ng mga kaibigan ko, magulang ko, pamilya ko, mahal ko sa buhay. Minsan nga lang, pag naiisip ko na “May kailangan ba akong sabihin? May kailangan din ba ako ikwento?” Nagsisimula na naman ang anxiety ko. Naiisip ko minsan kung sapat pa ba ako sa kanila. Self-pity na naman. Walang katapusan. Kaya minsan, mag-oopen ako ng isang topic na sobrang seryoso, pero minsan naiisip ko rin na sana di ko na lang din inopen kasi wala namang pumapansin. Alam mo yung kasabihang “You’re so near yet so far”. Ganun kadalasan ang nararamdaman ko. Parang ang layo-layo ko sa kanila dahil hindi ako makasabay sa kanila, dahil di nila ako pinapansin. (Kulang sa pansin eh noh). Ayun, pero masaya pa rin naman ako…para sa kanila.
Siguro ako lang kasi talaga yung klase ng tao na hindi madaling makuntento. Gusto perfect lagi ang nakikita, AT… yung taong naghahanap ng atensyon. (Atenttion seeker? Attention lover?) Watevah! Kaya naiintindihan ko talaga yung mga taong feeling nila nag-iisa sila, yung mga taong pinapakitang masaya sila sa harap ng ibang tao, pero kapag napag-isa, lumulungkot na dahil sa mga anxieties or negative things na nararanasan nila.
Isa ako sa kanila. Taong mukhang masayahin dahil laging nakangiti. Taong akala mo ok lang pag nasasabihan ng “Ganito ka! Isa kang … Wala kang …” , pero kapag tapos ko ng tanggapin at lunukin ang lahat ng sinabi nila, bigla na lang akong pupunta ng CR at luluha o maliligo para kapag tinanong ako, “Umiyak ka ba?” ang sagot ko, “Hindi. Tubig lang yan kasi naligo ako.”
Ako ang taong hindi transparent. Hindi nakikita ng iba kung ano ang tunay na ako. Sabagay lahat naman ng tao may tinatago. Hindi naman lahat ng bagay na tungkol sayo kailangan mong sabihin sa kanila. Hindi rin lahat ng bagay na naiisip mo sa kanila kailangan mong sabihin.
At dahil pinaguusapan natin ay about sa "Anxieties", bigla naman akong napasearch sa internet kung panu ito maoovercome. At ito ang mga best tips na nabasa ko:
12 Tips For Overcoming Anxiety
By Remez Sasson
Anxiety in various forms and degrees seems to be a wide spread problem, affecting people of all ages and in every country.
If you are prone to anxiety you have two options:
A) Give in to it.
B) Learn to overcome it.
By giving in you will continue to suffer and feel unhappy, stressed and anxious. It is far better to learn to overcome anxiety or at least reduce its power.
Anxiety just wastes your time and energy and weakens you mentally and physically. You help no one and don't solve any problem by being anxious. Our planet will go on revolving, even if you stop worrying and being anxious.
Always know you have a choice - to give in to anxiety, or try to overcome anxiety, at least partially.
Here are 12 tips for alleviating and overcoming anxiety:
1. Lack of control over your thoughts strengthens your anxiety. As negative thoughts get stronger and stronger, your anxiety gets stronger. You need to learn to control your thoughts. (OO nga naman)
2. Feelings and emotions fuel and strengthen anxiety. You need to learn some self discipline and control over your feelings, and you also need to develop emotional and mental detachment.
3.When you go to bed at night, and first thing when you wake up in the morning, think about the good things that are happening to you. There are always some good things happening, even if small and insignificant.
4. Start the day with several minutes of positive affirmations. Tell yourself how would like your day to be. Use positive, cheering and motivating words.
5. Be busy, do something. By doing something you keep your mind off your anxiety. When you wake up in the morning start doing something right away, and keep busy all day. Cleaning the house, washing the dishes or working in your garden, reading, studying, meditating or exercising your body can help you keep your mind away from anxiety. Just sitting around and thinking about your problems and worries won't make them go away. (masubukan nga to)
6. Set a goal and work everyday to achieve it. This action will direct your thoughts and feelings away from worries and anxieties, toward something more positive.
7. Talk about your anxieties to someone you trust. Talking about your anxieties and feelings often alleviate them and put them in the right proportions, provided you talk objectively, and with a real desire to reduce or get rid of your anxiety.
8. Exercising is a good way to keep from letting your fears overwhelm you. You can walk, do yoga or aerobics or any other sport. (ang passive ko kasi eh)
9. Find reasons to laugh. This will bring light and happiness into your life and drive anxiety away. Watch comedies, be with happy and amusing friends or read something that makes you laugh.
10. Use positive words in your conversation and in your inner talk.
11. Affirm and visualize positive situations and events. Visualize a happy and positive solution to your problems.
12. If watching the news fills you with anxiety - turn off the TV! Limit the time you watch the news, and don't watch anything that may upset you before you go to bed.
The information in this article does not replace professional advice.
Kung gusto ninyong makita ang original site, kindly visit
here