Pages

Wednesday, December 29, 2010

RPG: Astig Ito!!

Kahapon, as promised to my younger bro, nanood kami ng sine sa Festival Mall, Alabang. Syempre, pinili naming panoorin ang RPG dahil ito rin ang gusto kong panoorin. I just want to enjoy the pride of Pinoy. Syempre, gusto ko rin kasing makita kung ano ang maipagmamalaki ng Pinoy pagdating sa paggawa ng 3D animation.

At, hindi nga ako nagkamali. Maganda ang istorya. Nangyayare rin sa totoong buhay ng mga kabataan ngayon. Tungkol ito sa isang online game na tinatawag nilang Metanoia kung saan kelangan mong maglevel-up at unahan kayo sa pagkuha ng mga items. Parang DOTA 'di ba kung saan super adiktus ang mga kabataan lalo na ang mga kalalakihan. Minsan pa nga ito ang dahilan ng pag-aaway ng mga syota. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag mas inuuna pa ang pagdodota kaysa sa pakikipagkita sa girlfriend nila? At ito rin ang dahilan ng pagbagsak ng ilang estudyante dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagdodota kaysa pag-aaral. At syempre, hindi mawawala sa disadvantages ang pagkaubos ng mga baon nila hindi lang dahil sa rent fee kundi dahil na rin minsan pinagpupustahan nila ang paglalaro. Pero sa palabas na ito, hindi mo naman makikita ang ganung pangyayare. Ipinapakita rin kasi sa kwento ang kabutihang naidudulot ng outdoor games compared sa computer games. Pero, dumating ang pagkakataon na kinailangan nilang bumalik sa paglalaro ng Metanoia para mailigtas ang sanlibutan.

Syempre, sa kahit saang istorya naman, hindi mawawala ang mga villains at sa kwentong ito ang kalaban ay si Cel dubbed by Vhong Navarro. Siya ang may dahilan kung bakit nainfect ng virus ang computer ng karamihan ng mga naglalaro ng Metanoia. Ginawa nyang kaanib ang ibang players na naglalaro doon kasama na ang players ng ibang bansa. At, pag nangyare yun sa avatar mo, may mangyayare sayong hindi maganda.

Syempre, to the rescue ang team ng mga bidang bata natin. At sa kahuli-hulihang pangyayare, natalo nila ang kalaban. Haha. Ayun, happily ever after ang katapusan ng istorya.

Syempre, ayokong ireveal masyado dahil baka hindi nyo na ma-enjoy.

At dahil pambatang kwento ito, may mga pambatang lessons na matututunan ninyo:

1. Maging masunurin sa magulang.
2. Huwag matakot iexplore ang ibang kakayahan. Be adventurous.
3. Be friendly.
4. Masama ang mag-backstab sa isang kaibigan.
5. Kapag may nagawang kasalanan, just say sorry at mapapawi na lahat.
6. Matutong maghintay.
7. Ang mga kaibigan, hindi nawawala sa oras ng pangangailangan.
8. It's never too late to change.
9. Ang pantasya at realidad ay dalawang magkaibang bagay.
10. Hindi na si Lapu-lapu ang hero ng bayan ngayon, kundi ang mga magulang natin na nagsisikap para itaguyod tayong mga anak nila.

And so MANY TO MENTION! Panuorin nyo na lang para malaman ninyo! Haha.

And syempre, bago ko tapusin ang blog na ito, ipapakilala ko muna ang bumubuo ng istoryang ito.

Meet Zaijian Jaranilla as NICO




*Siya ang bida sa kwento*

Eto naman si Mika Dela Cruz as MAY




*Siya ang nagturo kay Nico ng mga outdoor activities at ang naging close friend niya sa pagdating sa real woeld at metanoia.*

Here is Eugene Domingo as MOMMY ni NICO




* Siya ang mapagmahal na nanay ni Nico*

Siya si Aga Muhlach, ang DADDY ni NICO


*Siya ang hero nilang magnanay.*

Eto naman si Aaron Junatas as BOBBY


 

*Utal-utal man siya magsalita, meron naman siyang baril na tumitira ng napakalakas na pampasabog pagdating sa Metanoia.*

Meet Basty Alcances bilang MARK


*Siya ang hambog type sa grupo pero ang tagapagtanggol sa kanila sa Metanoia dahil meron siyang agimat sa dibdib na hindi siya tinatablan. Spoiler's alert: May crush daw si May sa kanya kaya wag ninyong sasabihin sa iba ha.*

Kilalanin ninyo naman si Jairus Aquino as BRYAN


*Siya raw ang nagtaksil sa grupo pero malalaman ninyo ang dahilan kapag napanood nyo na. Kapangyarihan niya ay isang magik sumbrero na naglalabas ng kung anu-ano.*

Siya naman si Vhong Navarro bilang CELL



*Siya ang villain sa palabas. Pero sa bandang huli, natalo rin siya ng mga batang bida.*

Actually, meron pang ibang casts. Isa na dito yung mahilig sa Sudoku at ang naging dahilan kung paano sila nakapaglevel-up sa Metanoia. (Nalimutan ko yung name eh. Sorry! Hehe).

Dahil marami kayong napamaskuhan, panoorin ninyo na! Sure ball di kayo magsisisi. Hehe.

So, hanggang dito na lang muna!

PAALAM!

mfrs

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger