Pages

Sunday, January 2, 2011

My 2010 year-ender's Blog!!

New Year has passed and yet I still feel the excitement! Sa totoo lang, mas excited pa nga ako sa New Year kaysa Christmas, eh. Ewan ko ba kung bakit? Dahil ba excited na akong tumalon sa pag-asang tatangkad pa ako. Dahil ba mas maingay, mas maraming paputok at maraming napuputukan at nawawalan ng daliri at kamay? Haha. Dahil ba sa mga fireworks sa kalangitan tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi?

But, I think the main reason is the fact that our family is complete. Ewan ko nga ba kung bakit mas kumpleto kami tuwing New Year kaysa 'pag Pasko. Haha. 2010 ang nagdaan at madameng nangyare sa buhay ko. Hindi nga lang masyadong makulay ang huling kalahating taon ko dahil sa wala akong pinagkaabalahan kundi magpataba sa trabaho ko. Sumama sa kung saan, makipagngitian sa mga pulitiko, kumain sa mamahaling restaurant at kung anu-ano pa. Masaya din pero wala akong satisfaction sa ganun. Hindi ako natututo. Hindi ko feel na nagtatrabaho ako. Parang chaperon lang. So, kahit alam kong madaming makakamiss sa akin, umalis ako. And THIS YEAR, I am looking forward to find a better job for me. "Lord sana po 'yung malaki sweldo" Hehe. Well, bonus na lang siguro yun. Ang pinakamahalaga talaga eh yung maging happy ka sa ginagawa mo. Contented and satisfied. Sabi nga nila, sa Year of the Rabbit, ang mga Sagittarius daw ay swerte sa CAREER!! At talaga namang inspired and motivated akong maghanap ng trabaho.

Year of the Tiger at walang masyadong nangyare sa buhay ko. Maliban na lamang sa iilang bagay. Hehe. Pero, kung susumahin ko, napakaboring talaga.

Mas gusto ko pa nga nung nag-aaral pa ako eh. Namiss ko yung gumigising ako ng maaga, yung tipong  gigising ako15 minutes na lang kelangan ko ng umalis ng bahay. 10 minutes akong maliligo, 5 minutes akong magbibihis. Haha. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos yun na ang routine ko. Haha. Ewan ko ba. Since High School ganun na talaga ako. Di na ako natuto. Haha. Tapos, magmamadali ka pa para makaabot sa FX yun minsan ipagdadasal mo pa na sana ikaw na lang inaantay para makaalis na. Tapos pagdating naman ng Masagana, magsisimula na akong mag-brisk walking. Bawat segundo mahalaga. Dapat maka-10 wide steps ako every 1 second. Haha. Tapos pag wala pa si Ma'am o kaya si Sir, isang malakas na "Hay, Salamat!" pero kung nandyan na, di na ako mag-dadalawang isip na kumuha ng re-admission slip sa faculty ng college namin. Hehe. Madame talaga akong kalokohan nun.

After ng almost 4 hours of sometimes exciting, sometimes boring na lecture, ang pinakahihintay naming lahat, ang LUNCHBREAK! Haha. Syempre, kakain kami. Kung me baon, ilalabas namin ung baon namin. Kung wala naman, bababa kami tapos bibili sa ST Canteen. Naranasan pa nga namin 'yung maghihintay kang matapos kumain 'yung mga nakaupo pang estudyante. 'Di ba nakakahiya 'yun? Parang minamadali mo na silang kumain tapos bawat subo nila binibilang mo pa. Parang nakaka-conscious naman sa part nila. Haha.

After ng kain, syempre ang pinakapaborito ko! Ang SIYESTA! Haha. Ako lang talaga ang may pinakapaborito nito. Ewan ko ba bakit paborito kong matulog. Haha.

Pagpasok ulit ni Mam o ni Sir, syempre another tulog na naman ako. Haha. Maliban na lang kung manonood ng movie kay Sir Von, o kaya makikipag Pinoy Henyo kay Sir Gador, syempre gising na gising kami nun!

After ng 8 Hours of lecture, UWIAN NA! Syempre ako, asa pang uuwi ako ng maaga. Haha. Pupunta pa akong SM nun at makikipagkita sa BF kong lagi nalang late. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang siya ang late. Hindi ko nga malaman minsan kung bakit kelangang ako pa ang maghintay eh samantalang siya naman yung nauunang natatapos ang klase sa aming dalawa. Pag nagkita na kami, syempre una kong tanong, "Saan tayo kakain?" Haha. Syempre dinner muna kami. Swerte ko na lang kung malibre nya ako. Haha. Lagi kasing ako ang nanlilibre dun. Kahit pa sinasabi nya na siya raw. Haha. Ewan ko ba. Ayaw ko namang magbilang pero minsan di ko maiwasang sumama ang loob ko 'pag ako yung nanlilibre sa kanya. Haha. Kuripot eh noh. Pagkatapos kumain, syempre gagala pa kami nyan. Iikutin lang namin ang buong SM Manila. Magkukuwentuhan o di naman kaya manonood ng tig-kikinse sa sinehan. Uuwi kami mga 9 or 10 na. Syempre di na trapik. Masarap ng matulog sa FX nun. Haha. Malas lang pag umuulan. pahirapan ng paghahanap ng FX. Makakarating na lang ako kung saan. Nakakatamad naman kasi mag-LRT kasi hindi ako nakakatulog, eh paborito ko ngang matulog di ba? Haha. Syempre, pag-uwi, tulog na. Sinong nagsabing mag-aaral ako? Haha. Bukas na noh. Nakakatamad mag-aral kapag sobrang drain yung utak mo. Then, paggising sa umaga, another cycle of the day na naman. Paulit-ulit pero masaya kasi araw-araw may mga natututunan ako, may mga bagong nangyayari sa buhay ko.

Sobrang saya talaga ang student life! Makulay, challenging, at hindi boring.

So much sa kwentong buhay estudyante. Saka ko na lang ikukuwento yung iba. Ayayai. Buhay college. I'm missing you so much! Hehe.

Ngayong 2011, umaasa ako ng maraming changes and turning points! Syempre, isa na nga dun ang transition mula sa student life to career life! Sana nga makahanap na ako ng work ko. Yung stable and enjoying.

Gusto ko rin sa Year of the Rabbit, magkaroon naman ng pagbabago. Dahil masyado akong naging palahingi, and all, nalilimutan kong magpasalamat at magnilay-nilay sa buhay. At dahil nauso sa aking ang blog, dito ko nalang ilalagay lahat. Target ko ang 365 insights this year! Dapat araw-araw me natututunan ako, sa ngayon, hindi na from school, but on life na dapat. Dahil bente uno na ako, dapat mature na ako mag-isip. Enough na sa mga childish thoughts. It's time to grow and to come out of the shell. Explore more. Learn more.

Hay! 2011! Im expecting much from you! Hehe. Pero sabi nga nila, tayo naman talaga ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Kaya, kung may makitang opportunity, just grab it. Don't let the chances pass.

So much for now!

PAALAM

mfrs

1 comment:

Unknown said...

hahaha! NIce... shucks.. I felt I was brought forward to a time na graduate na din ako and will be missing school... I can't imagine the feeling considering that right now I SOOOO WANT TO HIT THE GROUNDS OUTSIDE OF SCHOOL already... hahah! nice Mia.. Keep it up! - from Mhars Ebardoni

Post a Comment

Powered By Blogger