"Hindi pa ako RN, pero acting nurse na ako sa lola ko." - from my plurk account 1/04/10
Yeah right! Napag-isip-isip ko na hindi ko naman talaga kelangan maging Registered Nurse para maging isang nurse. Meron ngang iba dyan RN na pero sa ibang propesyon umaasenso. Naisip ko lang naman kasi medyo nadedepress na rin ako dahil hindi pa ako nakakapagboard dahil sa hinayupak na birth certificate na yan. Pero, nararamdaman ko namang maaayos pero hindi pa siguro soonest. Maybe, it will take months or years? Hehe. I don't know. But, I am thinking na maghanap na ng ibang work. Nakakapagod kaya tumambay, 'di ba 'di ba? Lalo namang nakakapagod kapag wala kang pera.
Speaking of pera, hay grabe. Naiinis na talaga ako. Hindi ko alam kung dapat akong mainis, at wala rin naman akong mapaghingian ng advice, dahil syempre, wala naman akong kaibigang mapagsasabihan dito sa bahay. Naiinis ako kasi, ginagawa "niya" akong sugar mommy mahirap isipin pero 'yun lang talaga ang naiisip ko na ginagawa niya sa akin. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na hindi naman daw and whatsoever, na babayaran niya pa rin ako, I think it is not right na ikaw pa ang nanghihingi sa babae, 'di ba 'di ba? Correct me if I'm wrong. Pero, tama ba yun. Ewan ko lang ha. Kasi kung ako sa kalagayan niya, bilang lalaki, mahihiya ako sabihin sa girlfriend ko na, "Bili mo ako nyan, bili mo ako nito," and mahihiya din ako na hayaan siyang gumastos sa pagkain namin. 'Eh ako naman kasi, nasanay na rin ako, kaya parang 'di ko mapigilan ang impulse ko na 'pag kumakain, ako 'yung nagbabayad, kahit pa na sabihin niya na gumagastos rin naman siya nung college kami, pero 'pag iniisip ko talaga, ako lagi eh. Siya, minsan lang. Ewan ko. 'Di ko na talaga maintindihan, at 'di ko na rin alam kung mahal ko pa siya ng dahil lang dun. Iyak nga ako ng iyak' eh kasi nag-aaway kami ng dahil lang dun. Hindi ko naman maiwasan na hindi sumama ang loob ko 'pag ako yung gumagastos, at hindi lang basta gastos, "malaking gastos". But, it's not just "lang". Paano 'pag naging mag-asawa na kami, 'eh di sa akin siya manghihingi, tapos ako ang naghahanap-buhay sa amin. Aasa na lang siya sa akin? Ayoko matulad sa ibang nanay na nagagalit sa asawa dahil hindi nabibigyan ng pera. Ayoko rin matulad sa iba na nanlalamig at naghihiwalay ng dahil sa pera.
Gusto ko na munang humiwalay. Nakakainis talaga. Hindi ko rin alam kung mahal niya ba talaga ako o baka 'yun lang talaga ang gusto niya sa akin. At, may naaalala pa akong ibang bagay na masasabi kong parang hindi niya naman talaga ako mahal. Tulad na lang nung tinanong ko siya, "Bakit hindi mo ako ibebreak?", at alam mo ba ang sabi niya, "Kasi mahirap, magumpisa sa iba?" O 'di ba, 'di ba? Ikaw??? Anong magiging reaksyon mo 'pag 'yan ang sinagot sa'yo ng boyfriend mo. Ang taas pa naman ng in-expect ko. Akala ko ang isasagot niya, "Kasi mahal kita at hindi kita kayang iwan." Potek! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kung ano siya. Pero, ikaw, kung ganun ang boyfriend mo, matatanggap mo ba siya? Kaya mo pa bang tiisin na mahalin siya? Maniniwala ka pa ba na mahal ka talaga niya? Kaya ngayon, I'm making my final decision. At ikaw na manghula kung anu 'yun.
Signing off.
mfrs
1 comment:
Awwwwww :|
Post a Comment