Pages

Monday, August 8, 2011

Men thing


Bakit kaya may mga taong nagseselos sa’yo kahit wala ka namang ginagawa sa bf/gf/asawa nila?

Isang beses nga minura pa ako nung asawa ng isang lalaking ni hindi ko nga ka-close eh.

Bakit nga naman kasi may mga lalaking naghahanap pa rin ng iba kahit na may asawa or girlfriend na sila?

Dahil ba gusto nilang patunayan ang pagkalalaki nila? Sabi kasi nila, nasusukat ang pagkalalaki sa dami ng naging karelasyon.

Or dahil hindi na sila kontento sa partner nila?

Bakit din gustong-gusto nila kapag nalalaman nilang may gusto ang isang babae sa kanila? Yung tipong huhulihin ka niya malaman lang na crush mo siya. Feeling artista naman!

Sabi nga dib a, “Men are polygamous in nature”.

Kaya masakit man isipin pero kailangan tanggapin na yung boyfriend or asawa mo tumitingin din sa iba. Naghahanap ng atensyon ng iba habang wala ang girlfriend o asawa nila.

As what they say, “The mice play while the cat is away”.

Hanggang kelan ba dapat magtiis? Hanggang kelan ba dapat pahabain ang pasensya? Hanggang kelan ba dapat unawain ang isang tao?

Pero kung makapagsalita sayo, kay lambing, kay amo. Mukhang sincere, mukhang in love na inlove sayo. Syempre si babae naman, magpapakatanga rin maniniwala, aasa. Pero ang totoo, naka-block or naka-filter ka na pala sa fb account niya.

Napakagulo ng usapang love life. Nakakagulo. Nagpapagulo sa iba. Nanggugulo ng iba. Ginugulo ng iba.

Nakakalito. Nakakainis.

Masaya! kahit minsan, alam mong umaasa ka lang at naghihintay.

“I want to feel again that same old feeling with him”

MFRS

Powered By Blogger