Pages

Thursday, February 24, 2011

If I die Young

"If I die young, bury me in satin
Lay me down on a, bed of roses
Sink me in the river, at dawn
Send me away with the words of a love song"
- The Band Perry -

Masarap nga kayang mamatay? Naiisip ko palagi kung gaano kahirap mabuhay. Pero bihira lang sumagi sa isip ko kung masarap nga bang mamatay. Nung napanood ko 'tong kantang 'to, naisip ko parang masarap 'pag "nandun ka na", sa lugar kung saan walang paghihirap, walang pagdurusa, lahat masaya, at mapayapa. 

"I've had, just enough time"

Pero, nalulungkot din naman ako 'pag naririnig ko ang kantang ito. Ngayon ko lang narealize kung gaano kaikli ang buhay. 'Ika nga nila, "Live life to the fullest, na parang wala ng bukas." Pero para sa akin, "Live life rightfully so you may be accepted by the Kingdom of God." Napag-isip-isip ko 'yan lately lang. Hindi natin alam kung kelan "Niya" kukunin ang buhay na ipinahiram "Niya" sa atin. Marami dyan namamatay kahit bata pa. Kaya naisip ko na dapat nga siguro baguhin ko na ang ugali kong hindi maganda. Hehe. Marami tayong mga bagay na ginagawa na alam nating mali pero patuloy pa rin nating ginagawa dahil ito ang nakasisiya sa atin. At sa pagdating ng "Judgment Day", 'di na natin alam kung paano itatama ang mga mali natin at huli na para mabago pa natin 'to dahil "andun na tayo". Kaya habang maaga pa at may pagkakataon pa, "let's do the right thing". Hindi naman siguro mahirap 'yun. Kung sakali man siguro na mahirapan tayo sa pagdedesisyon, let's just pray and ask for His guidance. Tiyak, pakikinggan ka Niya at ibibigay Niya ang hinihingi mo. Katulad nga ng lagi kong sinasabi, "May dahilan kung bakit nangyayari 'yan sa'yo." At, naniniwala rin ako na "all prayers are answered, it may be a YES, a NO, and AT THE RIGHT TIME".

"The sharp knife of a short life"

I'm not saying that I'll be in heaven once I died. And, no one really knows what's up there. I just feel like I wanted to be there and I wonder how I will get there. Would it be by an accident, or by a terminal disease, or through murder. But wait, no one's in a hurry, right? It's just sometimes, I want to find my haven, where I could feel I am safe, may this be a person, or a place. However, I just can't find it right now. 

"Funny when you're dead how people start listening"

When I die, would somebody cry? Would somebody visit me? Well, I wouldn't know, and if somebody didn't, well, I'll be the one to visit them. Harhar. Funny it may seem but, sometimes, we realize the worth of a person only when he/she is gone. Isn't it wonderful when you feel you are appreciated? But, some people tend to forget to show even simple gratitude until it's TOO late.




Come lovely and soothing death, undulate round the world, serenely arriving, arriving, In the day, in the night, to all, to each other, sooner or later, delicate death - Walt Whitman




The only way out is the way through, just as you cannot escape from death except by dying. - Howard Nemerov

Tuesday, February 22, 2011

Why do we Love?

a nice blog to share...


why do we love ba?

so we can have somebody to talk to?

someone who can be there pag gusto natin gumala?

a person na pwedeng manlibre satin?

taong magbibitbit ng gamit mo?
ALALAY for short!eh pano kung di ka nya mahal? would you still love him/her?
would you still continue to care for that person? bakit naman hinde? 
you didnt love that person para magkaroon ka ng alalay,
magkaroon ka ng instant meal dahil libre,
taong gagawa ng assignments mo or projects,
or taong mahihila mo if you want to go out... 

if thats what you think about love well sorry ang BABAW mo!
loving a person doesn't need to have a criteria na dapat maganda o guwapo,
dapat mabait or understanding,
kasi once you fall inlove you take the risk of accepting dat person kahit maingay sya matulog,
yung hilik ng hilik kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody nya na kulang na lang ay sapakin mo sa inis!
yung sobrang selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan..
badtrip diba? and yung napaka-arte OA kung baga! o kahit ano pang things that would turn you off...
hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase gusto mong magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat... 
ACCEPTING the real person fully kase if you said na mahal mo sya you dont need to find answers kung bakit mo sya mahal...

kase lahat ng tao nagbabago but if you accept that person magbago man sya in the middle of your relationship
hindi ka masasaktan kase you know that darating din yun.. 
tsaka tanggap mo sya ng buo... 
mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala ng sasaya pa 
if you let one person feel na MAHAL NA MAHAL mo sya without asking 4 anything in return... 
then you can say wow un pla ang LOVE!

Being happy doesn't mean everything's perfect.
It means you've decided to see beyond the imperfections.... 



==========================================
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di monaiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.
Sus, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people.
" Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.
O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao,humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!
Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?
Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!" At hindi lang 'yon.
Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga. Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?Nakakaiyak.

"The best use of LIFE is LOVE.The best expressions of Love is TIME.The best time to Love is NOW..."



So ako na ang taong hindi marunong magmahal.. haha.. kaya nga I need space di ba.. I need to understand more my self... this is enough to say na I am doing the RIGHT THING!

Thursday, February 3, 2011

History of the Holy Rosary

Alam nyo ba kung paano nagsimula ang pagdarasal ng "Holy Rosary"? Ito ang maikling buod nito:

Ang Kasaysayan ng Santo Rosaryo
Isinulat ni San Louis Marie De Montfort 

Walang alinlangang masasabi na ang Rosaryo ang una at pinakamahalagang panalangin dahil binubuo ito ng Ama Namin, ang dasal ni Kristo, ng Aba Ginoong Maria, ang dasal ng pagbati ni Arkanghel Gabriel at iba pang karaniwang panalangin. Nagsimula ang pagdarasal ng Rosaryo noong panahon ng mga apostoles at ito ay dinarasal sa kasalakuyan.

Ang Rosaryo ay ibinigay sa simbahan ni San Dominic. Ito ay tinanggap niya sa Mahal na Birhen para sa pagbabalik-loob ng mga Albegensians at ng iba pang mga makasalanan. Nakita ni San Dominic na magiging lubhang mahirap ang mapabalik-loob ang mga Albegensians dahil sa mga napakabigat na kasalanan nila kaya inisip niyang magtungo sa kagubatan. Nagdasal siya rito ng tatlong araw at tatlong gabi nang walang tigil. Nagsakripisyo at tumangis siya upang mawala ang galit ng Panginoon. Dahil sa labis na pagpaparusa sa sarili, si San Dominic ay nagkasugat-sugat at nawalan ng malay. Sa oras na ito nagpakita si Birheng Maria na  may kasamang tatlong anghel.

"Mahal kong Dominic, alam mo ba kung anong armas ang ibig ng Banal na Trinidad na gamitin para sa pagbabago ng mga tao sa daigdig?"
 Sumagot si Dominic,
"Mahal na Birhen, mas alam ninyo ito kaysa sa akin dahil pumapangalawa kayo kay Hesukristo sa pagiging instrumento ng aming kaligtasan."
Ang Mahal na Birhen ay nagwika,
 "Ibig kong malaman mo  na sa ganitong digmaan, ang pinakamahalagang armas ay ang aking mga salmo na siyang bato ng Bagong Tipan; kaya kung ibig mong maabot ang mga tumigas nang kaluluwa at maipabalik-loob mo sila sa Diyos, ipangaral mo ang aking mga salmo."
Kapagdako'y tumayo si San Dominic na nasisiyahan at nagtungo sa katedral. Pinatunog ng mga anghel ang mga kampana upang tipunin ang mga tao. Si San Dominic ay nagsimulang mangaral. Bahagya pa lamang siyang nakapagsesermon nang magdilim ang araw. Sinundan ito ng bagyo at lindol na labis na ikinatakot ng mga tao. Lalo silang natakot nang makita nilang gumalaw ang larawan ni Maria na inilantad ni San Dominic. Tumingin ang Birhen sa langit at itinaas ang mga kamay nang tatlong beses upang manawagan sa Diyos sa pagbibigay ng kanyang parusa sa mga makasalanan kung sila ay hindi magbabalik-loob at hihiling ng kalinga sa Ina ng Diyos. Ninais ng Diyos sa pamamagitan ng mga di-pangkaraniwang pangyayaring ito, na lumaganap ang debosyon sa Santo Rosaryo sa buong mundo.

Pinagpatuloy ni San Dominic ang kanyang pangaral nang tumigil ang bagyo sa kanyang pagdarasal. Dahil sa napakahusay na pagpapaliwanag niya sa kahalagahan ng Rosaryo, halos lahat ng tao sa Toulose ay malugod na tinanggap ito at tinalikuran ang kanilang mga maling paniniwala. Tinalikuran din nila ang masasamang bisyo. Nagsimulang mamuhay sila bilang mabuting Kristiyano.

Dahil sa pagbibigay-sigla ng Espiritu-Santo, ng atas ng Mahal na Birhen at ng sariling karanasan sa pagsesermon, napalaganap ni San Dominic ang pagdarasal ng Santo Rosaryo hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay. Nangaral siya sa matataas at hamak na tao, sa mga iskolar at mangmang at sa mga Katoliko at erehe. Dinarasal noon ni San Dominic ang Rosaryo araw-araw bilang paghahanda na rin sa bawat sermon niya.

Ang Mahal na Birhen ay sumunod na nagpakita kay San Dominic sa isang kapilya sa Notre Dame, sa Paris habang dinarasal niya ang Rosaryo bilang paghahanda sa kanyang pagsesermon. Nagkataong pista noon ni San Juan na isa sa mga mangangaral ng ebanghelyo.
"Dominic, ang inihanda mong sermon ay maaaring mahusay, ngunit may dala ako na nasa aklat na mas mahusay kaysa sa iyong sermon," wika ng Mahal na Birhen.
Kinuha ni San Dominic ang aklat ng Mahal na Birhen, binasa nang mabuti at pagkatapos na mapagnilayan ito, nagpasalamat siya sa Mahal na Birhen.

Nang dumating ang oras ng pagsesermon, humarap si San Dominic sa kongregasyon na binubuo ng matataas na tao kaya naman sanay sila sa pakikinig ng mga sermong pambihira. Kasalungat ang ginawang pagsesermon ni San Dominic na ipaliwanag niya sa mga tagapakinig. Nangaral siya sa paraang madaling intindihin sa tulong ng Espiritu Santo. Ipinaliwanag niya ang Rosaryo na parang ang kaharap niya ay mga bata. Ginamit niya ang mga larawang guhit na nasa aklat na ibinigay ng Mahal na Birhen.

Sa isang pagkakataon, nagpakita si Hesus at ang Mahal na Birhen kay San Dominic upang siya'y himukin at bigyang sigla sa malawakang pagpapalaganap niya ng Rosaryo upang masugpo ang kasalanan at mapabalik-loob ang mga makasalanan at mapasampalataya ang mga di naniniwala sa Diyos.
"Dominic, nasisiyahan ako dahil hindi ka umaasa sa sarili mong karunungan at hindi mo inaasahan na purihin ka ng mga tao. Dakila ang kababaang loob mo sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Maraming alagad ng Diyos ang nagsisimulang mangaral tungkol sa kabigatan ng kasalanan. Dapat ay ihanda muna ang makasalanan sa pagkakaroon sa puso ng pag-ibig sa pagdarasal lalung-lalo na sa pagdarasal ng aking mga salmo, ang Diyos Ama ay hindi makatatanggi na magbigay ng kanyang grasya, kaya ibig kong mangaral ka sa pagdarasal ng Rosaryo, " wika ni Hesus.
Ang rosaryo ay mga katawagan nang Salmo ni Hesus at Maria noon pa mang panahon ni San Dominic dahil ang bilang ng Aba Ginoong Maria at salmo sa Aklat ng mga Salmo ni David at sa Rosaryo ay magkatulad. Ang mga walang pinag-aralan ay hindi makababasa ng mga salmo ni David kaya ang Rosaryo ang inihahalili para sa kanila.

Pinagtibay ng Mahal na Birhen ang pangalang Rosaryo sa dasal na ito. Ipinaalam niya sa ilang tao na tuwing darasalin nila ang isang Aba Ginoong Maria, binibigyan nila ang Birheng Maria ng isang magandang rosas. Ang katumbas naman ng pagdarasal ng isang dekada ng Rosaryo ay isang maliit na korona ng mga rosas, at ng buong Rosaryo, malaking korona ng mga rosas na inilalagay natin sa ulo nina Hesus at Maria.

(kuha sa librong Ang Bagong Rosaryo kasama ang Misteryo ng Liwanag)


Sa pamamagitan ng history ng Holy Rosary, mas lalo nating napatunayan kung gaano ka-powerful si Mama Mary sa buhay natin. Napakainteresting malaman kung paano nagsimula ang mga tao sa pagdarasal ng Rosaryo. Marami sa atin ngayon ang tumatalikod na sa Panginoon dahil sa mga problemang dumarating sa buhay nila. Pero kung magbabalik-loob lamang sila, sa tulong ni Mama Mary, siguradong gagaan ang problema nila at mabibigyan sila ng grasya. 

Sa pamamagitan nitong isinulat kong ito, sana MARAMI na ang magbalik-loob sa Kanya. Huwag sana tayong mawalan ng pag-asa sa pagdarasal ng Rosaryo. Sana rin maging instrumento rin tayo para ipaalam sa iba. Wala namang mawawala di ba kung sasabihin natin sa bawat kakilala natin kung gaano kahalaga ang mga bagay na tulad nito. Isipin na lang natin ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng Diyos sa atin sa pagdating ng Tamang Panahon. Ang katawang tao, namamatay, nabubulok, pero ang kaluluwa natin ay nananatili. No one knows kung hanggang kelan ang buhay natin, kaya dapat ngayon pa lang, inihahanda na natin ang sarili natin.

mfrs

Powered By Blogger