Pages

Monday, January 3, 2011

HELPING HANDS!!

Helping Hands... Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Kahapon, pumunta kami ng lola ko sa Alabang Medical Center para magpatingin sa doktor. Ako lang mag-isa noon dahil lahat sila nasa eskwelahan. Alam ko namang kaya ko, ang laki-laki ko na eh. Nagtawag ako ng taxi pero syempre, kelangan choosy ako. Ayoko ng nangongontrata. Dapat metro, pero dahil sa mga panahong ito napakakonti na ng mga driver na nagpapametro, pumayag na ako sa kontrata pero dapat 150 pesos lang. Syempre, sila naman yung ayaw pumayag kesyo nakapila and whatsoever. Eh, syempre mas lalo namang ayaw kong pumayag, 250 pesos ba naman, 200 pesos huling tawad, parang sa Divisoria lang ah, eh napakalapit nga lang nun. Kung ako lang, magjejeep lang ako eh, kinse pesos lang. Ayun buti na lang me pumayag sa presyo ko. Grabe hirap makipagtawaran. Daig pa mga nagtitindang intsik sa Divisoria. Pero buti na lang si manong, talagang nagvolunteer siya. Tapos sabi ko, "Manong, may susunduin tayo.". Iniwan ko lang kasi yung lola ko sa may kanto kasi ayoko ng tumawid siya. Sinundo ko na yung lola ko, nagulat ako wala yung taxi. Yun pala pinaurong lang konti nung traffic enforcer. Pero nung nakita niya kaming dalawa nung lola ko, inalalayan nya agad kami. Syempre medyo natouch naman ako dun. Tapos yung driver, binuksan nya pa yung pinto para sa amin. Wow. Special treatment nga naman talaga. Tapos nagtanong pa yung traffic enforcer, "Saan kayo pupunta? Magpapadoktor kayo?". Syempre sabi ko, "Opo. Sa Alabang Med po.". Ang bait mo manang! Hehe.

Habang umaandar yung taxi, napapansin ko na parang nagmamadali si manong driver. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa tumatakbo yung metro nya, dahil alam kong dapat may tubo sya dun o, in a positive sight, nag-aalala siya para sa amin dahil kelangan ng madala si Mommylo sa ospital. Syempre, pilingera ako eh. Hehe. Pagdating ng ospital, Syempre, una akong bumaba, bumaba din si manong driver para alalayan ang lola ko. Wow. Touch na naman ako. para kaming mga donya na may sasakyan at pesonal driver. Pilingera ulit! Haha. Syempre, medyo nilakihan ko yung tip ko sa kanya. Dinagdagan ko ng bente, yung 150 pesos, naging 170 pesos, tapos binati ko pa siya ng, "Happy New Year!". Gaya-gaya ako sa magulang ko eh. Hehe. Tapos, may isang mama sa loob na tumakbo at sinaklolohan agad kami. Nagdala agad siya ng wheelchair at idineretso kami sa Emergency Room. Wow. Super Thanks talaga!! Sa loob, may mga nursing students na nag-assist din sa amin. Syempre, naalala ko yung mga panahong estudyante pa ako. Lagi silang nagtatanong, kung anung history ni Mommylo, Kung anu kinain niya bakit siya nagsusuka, ilang beses siya nagsuka. Todo assist din sila. Sila pa humawak nung plastik na sinusukahan ng lola ko. Haha. parang ako lang nung estudyante pa ako. Maya-maya, dumating na yung nurse. Siya naman yung nag-interview sa amin. Syempre, sinabi ko naman na nagsusuka nga siya, pero dapat talaga magpapa-check-up kami para sa puso niya. Ni-refer na lang muna kami sa gastro para nga sa suka niya. Maya-maya dumating na yung doktor. Yung itsura niya talagang nag-aalala siya. Tinanong niya kasi kung anu-anong gamot daw ang iniinom ng lola ko. Inisa-isa ko at ang sabi niya, talagang sasakit ang sikmura ng lola ko dahil matatapang na gamot daw yung mga yun. Kelangan daw palitan ng iba, at yung iba naman ititigil na. Syempre, natuwa din ako dahil halatang concern siya sa amin pero ganun naman talaga dapat mga doktor di ba? Pilingera nga kasi ako eh. Hehe. After nun, Nag-order na siya ng mga laboratories na gagawin sa amin like yung CBC, Upper Abdomen Ultrasound and ECG. Pagdating sa Lab, naghihintay kami sa labas nang tinawag ng isang babae yung pangalan ng lola ko, syempre taas agad ako ng kamay. "Present mam!" Eh wala yung utility kaya ako sana yung tutulak ng wheelchair, pero kinuha nya sa akin yung wheel chair. Natuwa na naman ako dahil tingin, ko napakabait nung babae. Kaso, sa bigat ng lola ko, di nya maipasok sa loob ung wheel chair kaya tinulungan naman siya nung isang babae sa loob. Siya pala yung radiologist na mag-uultrasound sa lola ko. Pagkatapos maultrasound, sa ECG naman si Mommylo. Mabait din yung nag-assist sa amin. Inalalayan niya si Mommylo hanggang sa makahiga siya at makatayo after nung process. Hinatid pa nila kami sa ER. 

Ewan ko ba. Tingin ko talaga sa lahat ng tao, mababait. Pati yung nurse namin, before I forgot to mention, napakabait din. Talagang tinatanong niya pa kami kung nagugutom ba kami, kung ok lang ba kami, kung san namin gustong mahiga na kama, etc. Tingin ko sa kanila they are angels sent from above. Sana lahat ng tao ganun. Hehe.

Helping Hands. Sa mga taong nabanggit ko kanina, sila yung nagpakita sa amin ng Helping Hands. Mula sa simpleng pag-alalay nila, hanggang sa pagtutulak ng wheelchair, sobrang nakakatouch talaga! At narealize ko na hindi rin pala masama na naging "pilingera" ako. It just shows that I appreciated all their simple efforts, smile and kind gestures to us. At isa pa, narealize ko din na dapat maging ganon din ako, katulad nila. Hindi kasi ako palatulong eh, hehe. Lagi kasi ako nag-aalinlangan. Ewan ko ba. Di ko alam kung mahiyain ako or whatever. Pero, I just realized na nakakataba pala ng puso 'pag may mga bagay na ginagawa sayo na hindi mo inaasahan.

"Act as if what you do makes a difference. It does." ~ William James

Maging pilingera ka daw ulit. Haha. Pero di mo alam na sa pagiging pilingera mo, madame kang nagagawang mga bagay na akala mo wala lang sayo, pero may kahulugan sa buhay ng ibang tao. 

Marame akong natutunan sa araw na ito, at tulad nga ng sabi ko, araw-araw dapat may mga lessons akong natutunan, at eto na ang simula para sa taong 2011, year of the rabbit! 

"We can do no great things, only small things with great love."  ~Mother Teresa

Hanggang sa muli!

mfrs

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger