Pages

Thursday, February 24, 2011

If I die Young

"If I die young, bury me in satin
Lay me down on a, bed of roses
Sink me in the river, at dawn
Send me away with the words of a love song"
- The Band Perry -

Masarap nga kayang mamatay? Naiisip ko palagi kung gaano kahirap mabuhay. Pero bihira lang sumagi sa isip ko kung masarap nga bang mamatay. Nung napanood ko 'tong kantang 'to, naisip ko parang masarap 'pag "nandun ka na", sa lugar kung saan walang paghihirap, walang pagdurusa, lahat masaya, at mapayapa. 

"I've had, just enough time"

Pero, nalulungkot din naman ako 'pag naririnig ko ang kantang ito. Ngayon ko lang narealize kung gaano kaikli ang buhay. 'Ika nga nila, "Live life to the fullest, na parang wala ng bukas." Pero para sa akin, "Live life rightfully so you may be accepted by the Kingdom of God." Napag-isip-isip ko 'yan lately lang. Hindi natin alam kung kelan "Niya" kukunin ang buhay na ipinahiram "Niya" sa atin. Marami dyan namamatay kahit bata pa. Kaya naisip ko na dapat nga siguro baguhin ko na ang ugali kong hindi maganda. Hehe. Marami tayong mga bagay na ginagawa na alam nating mali pero patuloy pa rin nating ginagawa dahil ito ang nakasisiya sa atin. At sa pagdating ng "Judgment Day", 'di na natin alam kung paano itatama ang mga mali natin at huli na para mabago pa natin 'to dahil "andun na tayo". Kaya habang maaga pa at may pagkakataon pa, "let's do the right thing". Hindi naman siguro mahirap 'yun. Kung sakali man siguro na mahirapan tayo sa pagdedesisyon, let's just pray and ask for His guidance. Tiyak, pakikinggan ka Niya at ibibigay Niya ang hinihingi mo. Katulad nga ng lagi kong sinasabi, "May dahilan kung bakit nangyayari 'yan sa'yo." At, naniniwala rin ako na "all prayers are answered, it may be a YES, a NO, and AT THE RIGHT TIME".

"The sharp knife of a short life"

I'm not saying that I'll be in heaven once I died. And, no one really knows what's up there. I just feel like I wanted to be there and I wonder how I will get there. Would it be by an accident, or by a terminal disease, or through murder. But wait, no one's in a hurry, right? It's just sometimes, I want to find my haven, where I could feel I am safe, may this be a person, or a place. However, I just can't find it right now. 

"Funny when you're dead how people start listening"

When I die, would somebody cry? Would somebody visit me? Well, I wouldn't know, and if somebody didn't, well, I'll be the one to visit them. Harhar. Funny it may seem but, sometimes, we realize the worth of a person only when he/she is gone. Isn't it wonderful when you feel you are appreciated? But, some people tend to forget to show even simple gratitude until it's TOO late.




Come lovely and soothing death, undulate round the world, serenely arriving, arriving, In the day, in the night, to all, to each other, sooner or later, delicate death - Walt Whitman




The only way out is the way through, just as you cannot escape from death except by dying. - Howard Nemerov

4 comments:

Bea Camille said...

"When I die, would somebody cry? Would somebody visit me?"
-yan din inisip ko kanina! HAHAHAHA! :))

Very well said mia! do the right thing and enjoy life. Sabi nga ni Jabat, once you get there, there's NO COMING BACK!

Remember:
"Heaven's not a place that you go when you die. It's that moment in life when you actually feel alive." :))

johnjohn said...

hindi solusyon ang pagpapakamatay, kelangan harapin ang problema.

ayun tama ka sa "When I die, would somebody cry? Would somebody visit me?" naiisip ko nga rin yan minsan, sinong iiyak pag nawala ako, sinong hahagulgol at sinong yung saktong iyak lang, pati kung sino yung NR. haay malungkot ang set-up. at naalala ko ang script mong "may purpose si God sa mga nangyayari sa atin". kung sakaling mission accomplished na ko at tapos na purpose ko eh gawan nyo ko ng eulogy, yung nakakatawa ha! para walang malungkot. HAHAHA tama na ang dramahan.

kitakits soon!
stay happy and beautiful :)

Unknown said...

@Bea Camille: OO nga tama ka.. bat ko ba iisipin kung anung meron sa TAAS kung pwede naman akong maghanap ng "place like Heaven" DITO.. Kaso un nga, di ko pa kasi nahahanap ngayon.. Haha.. Pero malay natin, makita at maramdaman ko na rin un sa TAKDANG PANAHON.. SALAMAT BEA!!

@johnjohn: CGE.. gawaan tau ng EULOGY haha.. Exciting un.. at dapat ung mga nakakatawa haha.. pra masaya pag dumating na ung araw na un hahaha.... kaso di pa natin alam kung anu ba talaga ang purpose natin.. haha pero malalaman din cguro natin un sa TAKDANG PANAHON ulit haha..

Jo Arce said...

Naiisip ko din yung sino kaya yung mga taong bibisita sa lamay ko pag namatay ako? yung mga taong iiyak para sa akin? yung mga taong magkakalat ng kwento na nakasama ko sila? mga matutuwa dahil namatay na ako? yung gagawa ng moviemaker tribute video na may mga pictures akong nakangiti, pacute, pangit etc..?

nakakatuwa lang isipin kung paano tayo mamamatay. pero kung tatanungin niyo ako, ayoko pa :) parang di pa ako ready eh. pag namatay ako baka dalawin ko kayo sa mga panaginip niyo dahil may unfinished business pa ako sa mundo haha!

Taralets live life to the fullest :D

Post a Comment

Powered By Blogger